2017 February
Nagkaroon na naman ng pagkakataon na magkita kita ang Pusong 81 ngaung buwan ng mga puso.
Thirty seven (37) or Thirty eight (depende kung nasaan si Vingo) Pusong 81 attended the 2017 LSQC Homecoming dubbed "BALIKisKWELA" hosted by Silver Jubilarian Batch 1992. Co-hosting the event are Emerald '62, Golden '67, Sapphire '72, Ruby '77, Coral '82 and Pearl '87.
There were several first time homecoming attendees for Pusong 81 namely, Raul Castro, Egay Cabrera, Wel Quejayco, Junel Ama whom most of us have not seen in 36 years or more. Hope to see you again in future gatherings.
As usual, kulitan, tawanan, alaskahan, recall ng mga pinaggagawa sa school at kung ano ano pa ang nangyari ng gabing ito. Nag-enjoy ang lahat sa dinner na hinanda ng hosting batch. Pero mas nag-enjoy ang lahat sa tusok tusok ng fishball tapos ay isawsaw sa suka o sarsa. Isang malalim na mangkok kung kumuha si Raul Go, Martin at Dicky dun sa food area.
Hindi din nawala ang wine. Maraming salamat kay Raul C., Naning, Herbert at sa iba pa na nagdala para sa gabing yun. Syempre andyan din ang beer (Pale Pilsen/San Mig light) in cans na provided ng hosting batch. Naging suki ang mesa natin ng mga waiter na nag rereplenish ng supply ng beer.
Nakakulitan din natin si Sonny Madera, Teodie Canave, Mr. de Guzman. Maraming photo-ops, selfies, groupies na nangyari sa pakikipag kwentuhan na ito.
Mr. Paras was present in the event pero medyo hirap na maglakad kaya hindi na nakapunta sa mesa natin. He is regularly under-going dialysis due to problems with his kidney. Spearheaded by Naning, Pusong 81 passed the hat that night to raise some funds which was given to Mr. Paras to help out in our own little way. Thank you sa lahat.
Tutal ay uso din naman ang mugshots ngaun at dahil sa suggestion ni Boyette sa Viber group, halos lahat ng dumalo ay may mga "mugshots". Yung kay Vingo ay lalagyan sana ng placard na may mga numero kaso nawalan ng tinta ang pentel pen. hehehe. Ang mga "mugshots" na ito ay ilalagay natin bilang recent picture sa ating updated profile. Inaanyayahan ko pa din ang iba na mag email ng kanilang recent picture para ma-update ang inyong profile.
To sum everything up in one word: FUN Walang tigil na kasiyahan ang dinanas ng mga nagsipag attend ngaun 2017 HC. Sana ay magkita kita pa ulit tayo sa mga darating na pagtitipon.
Nadagdagan din ang ating Viber group chat sa pagsali ni Raul Castro at Manny Tan ng gabing yun. Welcome to the Viber group.
Para naman maka relate ang iba pa nating bachmates at ka-pusong 81 na wala pa sa Viber group natin or nasa abroad, minabuti kong i-partially open ang Roll Call page kung saan nanduon ang ating Photo Gallery. Enjoy viewing the photos. Kung may mali man or kulang ako sa caption ay mangyari lamang na paki-email ako para ma correct kaagad. Maraming salamat sa lahat ng nag share ng photos sa ating Viber group.
Inaanyayahan pa din ang lahat na mag-submit ng updated profile (2006 pa ang last update nito), magsulat sa ating guestbook and/or sumali sa ating yahoogroups or viber group.
Nasa links page na din ang bagong website entry ni RT para sa kanyang transient room business.
Mabuhay ang Pusong 81 ! ! !
† Seberell Angeles has joined our redeemer around 2007 in London due to aggressive lymphoma - this information was passed on to us by Raul Castro.